‘Di sapat ang 1st/2nd doses, magpa-booster – Mayor Honey
Advertisers
“HINDI sapat ang first at second doses. Please, magpa- booster po kayo.”
Ito ang apela ni Mayor Honey Lacuna sa lahat ng Manilaño, bilang pagtutuwid sa maling akala na sapat na ang first at second dose ng bakuna para sa COVID-19, at ‘di na kailangan ang booster shots.
“Additional protection po ang booster shots sa inyo. Any kind of vaccination ay nagwi-wean off ang effectivity. Kung ngayon ay 100 percent, lumalaon syempre, bumababa rin ang proteksyon inyo. Nagwi-wean off rin ang bakuna sa katawan,” paliwanag ni Lacuna.
Idinagdag pa nito na : “Ganito lang po ‘yan. Kung sa tingin n’yo ay ok na, bakit kailangan pa magproduce ng booster? So ibig sabihin ,kailangatan talaga ito.”
Ipinaalala ng lady mayor, na isa ring doctor, na ang COVID-19 ay nandyan lang sa paligid at patuloy na nanghahawa, lalo na sa mga walang bakuna.
Dahil dito, sinabi ni Lacuna na ang 44 health centers ng Maynila ay tuloy sa pagbibigay ng bakuna araw-araw mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.
“Ako po ay nakikiusap, pababa nang pababa ang bilang ng nagpapabakuna at mababa din ang bilang ng nakatanggap ng booster. Kailangang-kailangan po natin ito lalo at may face-to-face classes na ang kabataan,” sabi ni Lacuna .
“’Wag po nating hayaan na dahil ayaw nating pabakuna ay makapitan tayo ng COVID-19. Nandiyan lang po siya sa paligd-ligid at meron pa ring danger na kayo ay mahawaan since it’s available and for free. So please, pa-booster na kayo,” dagdag pa ng alkalde.
Hinikayat ng alkalde ang lahat ng residente na samantalahin ang oportunidad dahil direktang dinadala na ng pamahalaang lungsod ang bakuna sa mga barangay sa pamamagitan ng health centers. (ANDI GARCIA)