Advertisers
TINIYAK ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann na kanilang tutugunan ang problemang pinansiyal na ibinunyag ni Pinoy pole vault player EJ Obiena.
Sinabi ng PSC chairman na nakipag-ugnayan na sila sa kampo ni Obiena ukol sa usapin.
Nakausap na nila ang kampo ni Obiena at tiniyak sa kanila ang pagresolba sa nasabing usapin.
Makikipag-ugnayan rin sila sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at pabibilisin na resolbahin ang problema.
Magugunitang ibinunyag ni world’s top 3 pole vaulter sa kaniyang social media na hindi na ito makakapaglaro sa Asian Indoor Championship sa Kazakhstan dahil sa kakulangan ng pondo.