Advertisers

Advertisers

NBA: Jazz wagi kontra Nets sa tuneup games

0 188

Advertisers

NAGPAKITANG gilas si Rudy Gobert upang buhatin ang Utah Jazz sa 112-107, laban sa makupad na Brooklyn Nets sa tuneup game kahapon sa Florida.

Kumamada si Gobert ng 20 points, para sa Jazz na yumuko sa kanilang ope­ning scrimmage sa Phoenix Suns, bilang preparasyon sa pagpapatuloy ng NBA season.

Dinaig ng Jazz ang Miami Heat sa kanilang ikalawang scrimmage.



Nagdagdag si Filipino-American guard Jordan Clarkson ng 12 points at limang  rebounds para sa Jazz. habang si Donovan Mitchell bumakas ng 14 points at four rebounds para sa Utah.

Pinamunuan ni Caris LeVert ang opensa ng Nets sa kinamadang 23 points, habang si Jarett Allen ay may double-double na 19 points at 10 rebounds.

Rodions Kurucs umiskor ng 13 points at Tyler Johnson nag-ambag ng 11 puntos.

Makakaharap ng Utah Jazz ang New Orleans Pelicans sa opener ng seeding games sa Huwebes. Habang ang Brooklyn Nets  sasagupain ang Orlando Magic sa ­Biyernes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More