Advertisers

Advertisers

Bangayan sa ibang bansa, ‘di dapat inuuna sa COVID-19

0 523

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos…” (Mikas 6:8, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

BANGAYAN SA IBANG BANSA, DI DAPAT INUUNA SA COVID-19: Sa ngayon, hindi mahalaga kung ang Pilipinas ba ay totoong mas mataas na ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na COVID-19 kaysa sa ibang bansa, partikular ang Indonesia. Ang mas mahalaga, sapat na ba ang mga pagkilos ng gobyernong Pilipinas sa ngayon upang huwag ng dumami pa ang mga nahahawaan ng pandemya, o magamot na ng tuluyan yung mga may sakit na nitong virus na ito?



Walang kuwenta yung pakikipag-bangayan ng ating mga matataas na opisyales sa ngayon upang isantabi ang isyu ng kung sino na ang bansang mas marami ang apektado ng COVID-19. Wala namang buting idudulot ang ganitong pakikipag-bangayan ng sinuman sa gobyerno. Matatalsikan lamang nila ng laway ang publiko sa nasabing bangayan.

Sa ngayon, ang dapat inuuna natin ay yung pagiging makatotohanan ng mga ulat ng kung sinong mga Pilipino ang nagkakasakit dahil sa COVID 19. Wala na kasing naniniwala pa sa mga ulat ng Department of Health at ng Inter-Agency Task Force ukol sa mga tinatamaang Pilipino dahil mali-mali ang kanilang mga ulat. Magiging makatotohanan marahil ang ulat sa bilang ng mga apektado kung papalitan na ang mga namumuno sa DOH at IATF.



***

AND KNK: PATOTOO NG BIBLIYA SA PANALANGIN NG PAGPAPAKUMBABA NG MGA KADUGO: SSDSNNJ Amen. Sa napakaraming bersikulo ng Bibliya, ipinapakita na ang pagpapakumbaba sa Diyos ay karapat-dapat at tungkulin ng mga tao. Sa lahat halos ng mga naunang mananampalataya, sila ay nagpapakumbaba kapag nakakatanggap sila ng mga pagpapala, at kapag tinatamaan sila ng matitinding trahedya, sakuna, o kalamidad.



Iisa ang paraan ng pagpapakumbaba ng mga mananampalataya na ipinapakita ng Bibliya, at ito ay sa pamamagitan ng pagpapatirapa. Mula kay Abraham, Jose, Joshua, David, at pati na din kay Jesus, ang pagpapatirapa, o paghalik ng noo ng mga tao sa lupa, ay itinuturing na mabisang paraan ng pagsamba, papuri, pasasalamat, at panalangin.

May dahilan ang ganitong uri ng pagpapakumbaba sa Diyos, ayon na din sa Bibliya mismo. Sabi sa Mikas 6:8: “Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos…”

Walang duda, karapat-dapat magpakumbaba ang tao sa Diyos. Ang Diyos kasi ang may lalang ng langit at lupa, at ng lahat ng mga matatagpuan doon, pati na ng mga tao. Ang Diyos, kumbaga, ang may-ari sa tao, kaya naman kailangan ng tao na kilalanin ang kataasan ng Diyos kaysa sa Kaniya.

***

NAIS NG DIYOS NA NAGPAPAKUMBABA ANG MGA TAO: Ito ang gusto ng Diyos. Sa Bibliya, galit ang Diyos sa mga hindi marunong magpakumbaba at kumilala sa Kaniya kaya naman ang mga taong ito ay puno ng pighati sa buhay. Ang pahayag ng Diyos tungkol dito ay mababasa sa maraming bahagi ng Banal na Kasulatan, bagamat ang isang matinding pagkagalit ng Diyos sa ganitong mga tao ay nakasulat sa Isaias (Isaias 1:1-17).

Ito ang dahilan kaya naman sa Mga Batayang Aral ng Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), tampok na aral ang panalangin ng pagpapakumbaba o pagpapatira ng mga Kadugo sa Diyos, bilang isa sa ika-anim na patotoo ng Bibliya sa AND KNK.

Partikular sa pagtatapos ng bawat pagtitipon o pagsamba ng mga Kadugo ginaganap ng mga Kadugo ang panalangin ng pagpapakumbaba, o ng pagpapatirapa. Iisang tao ang mga Kadugo sa ganitong gawain, sapagkat kinikilala ng lahat ng Kadugo na ang Diyos wala ng iba ang may hawak sa kani-kanilang mga buhay at Siyang pumili at nagsugo sa kanila bago pa man lalangin ang sanlibutan.

Kasama sa Mga Batayang Aral ng AND KNK ang katuruan na ang pagpapakumbaba sa Diyos ay nangangahulugan din ng pagpapakumbaba ng mga Kadugo hindi na lamang sa kanilang kapwa-Kadugo sa Pilipinas at sa buong mundo, kundi pati na sa ibang mga tao, lalo na sa ibang mga mananampalataya.