Advertisers
NAGSANIB puwersa sina Tobias Harris at Joel Embiid upang buhatin ang Philadelphia 76ers sa 108-101, tagumpay laban sa Orlando Magic kahapon sa Lake Buena Vista, Florida.
Kumamada si Tobias Harris ng 23 points at 15 rebounds, habang si Joel Embiid nagtapos ng 23 points at 13 rebounds, sa kanilang first game na wala ang All-Star Ben Simmons.
Simmons is out indefinitely matapos ma injured ang kanyang tuhod Miyerkules ng gabi.
Nagdagdag si Alec Burks ng 22 points, habang si Al Harford ay nagtapos ng 21 points at nine rebounds.
Evan Fournier umiskor ng 22 points, habang si Nikola Vucevic bumakas ng 21 points at 12 rebounds upang pamunuan ang opensa ng Magic, na nabigo ng tatlong sunod-sunod na laro sa NBA bubble matapos na magsimula sa 2-0.
Ang Magic ay naglaro na wala si Aaron Gordon, na umalis sa laro nitong Miyerkules laban sa Raptors na may harmstring dahil sa hard foul kay Kyle Lowry.
Susunod na makakaharap ng Magic ang Celtics sa Lunes, habang ang 76ers makakasagupa ang Trail Blazers.