Advertisers

Advertisers

3 high value target huli sa Cotabato

0 242

Advertisers

Arestado ang tatlong drug dealers sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Gani Mehar Kanday alyas Idol, Adhan Mawiya Adam at Thens Abtullatip Ebrahim, mga residente ng Maguindanao.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA-12) PDEA-BARMM at Cotabato PNP sa Barangay Poblacion, Pigcawayan, North Cotabato.
Ayon kay PDEA-12 regional director Naravy Daquiatan, sakay ang mga suspek sa isang pampasaherong van mula sa Maguindanao at nahuli sa Pigcawayan, Cotabato.
Narekober sa mga suspek ang 50 grams na shabu.
Sa report, sangkot ang mga suspek sa illegal drug trade sa Cotabato City, Maguindanao at North Cotabato.
Sinampahan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal possession of firearms.(PFT team)