Advertisers
DINEKLARANG ‘persona non grata’ ng gobierno ng bayan ng Pandi, Bulacan ang tagapagsalita ng Kalipunan ng Damayan ng Mahihirap (KADAMAY) sa pama-magitan ng ipinasang resolusyon ng Sannguniang Bayan.
Sa dalawang pahinang resolusyon, tinukoy ang pangalan ng tagapagsalita na si Mimi Doringo.
Pinangunahan ng Presiding Officer na si Vice Mayor Luisa Sebastian ang paglagda sa Municipal Resolution No.196-2020 na nagdedeklara na ‘persona non-grata’ ang tagapagsalita ng nasabing urban poor group.
Nag-ugat ang deklarasyon ng persona non-grata sa kawalan nito ng respeto o paggalang sa lokal na pamahaan matapos magsagawa ng mga kilos protesta sa ilang barangay ng Pandi sa kabila ng umiiral na community quarantine, kungsaan ipinagbabawal ang mass gathering para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease-19.
Ayon kay Mayor Enrico Roque, isang matahamik at maayos na pamayananan ang bayan ng Pandi, kaya walang puwang si Doringo sa kanilang lugar.
Samantala, suportado ng PNP at militar ang naging hakbang ng lokal na pamahalaan.
(Thony D. Arcenal)