Advertisers
PATAY ang dalawa katao nang masunog ang isang bus sa kahabaan ng Commonwealth, Quezon City nitong Linggo.
Sa report, “lovers quarrel” ang umano’y dahilan ng pagsunog ng buhay sa isang konduktora nang makipag-away sa kanyang nobyo sa loob ng bus.
Napag-alamang magkasintahan ang konduktora at ang lalaking nagsaboy ng gasolina sa una.
Base sa mga nakasaksi, nag-aaway ang konduktorang kinilalang si Amelene Sembana at nonyo niya na inaalam pa ang pagkakakilanlan habang sinusulat ang balitang ito.
Nang magkainitan sa kanilang pagtatalo, sinabuyan ng nobyo ang konduktora ng gasolina at sinindihan.
Nagpaligo rin ng gasolina ang nobyo at sinilaban din ang sarili.
Apat naman iba pang pasahero ang nasugatan sa insidente.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), 12:39 ng tanghali nang maganap ang insidente sa southbound lane, Pearl Drive sa BarangayGreater Fairview, Q.C.
Sa pahayag ni Valentino Obligasion, 45, driver ng Fairview Bus (NAL 6673) at body number 1606, nakita niya na may binuhos ang isang lalaking pasahero sa kaniyang konduktora na naging sanhi ng pagliyab.
“May nakaaway po ‘yung konduktor na pasahero… Nung nakita na lang po, tumatakbo na ‘yung konduktor ko, sinindihan siya nung pasahero… Dun na po nag-umpisa ang sunog,” ayon kay Obligasion.
Ayon naman sa pasaherong si Jennifer Lutao, binuhusan ng lalaki ang konduktora ng hinihinalang gas na nakalagay sa isang maliit na bote at dahil sa mga plastic barrier ay mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng bus.
Sinabi naman ni Gemma Acanto, agad na binuksan ng driver ang pinto ng bus nang mangyari ang sunog, kaya agad nagtalunan ang mga pasahero habang ang iba ay dumaan sa binasag na bintana.
Nabatid kay SF03 Francisco Mabunga ng QC Central Fire Station, naapula ang apoy 1:20 ng hapon.