Bentahan ng iligal na droga sa Brgy 310, Manila

85

Meron na naman bentahan ng iligal na droga dito sa Telecom, Brgy. 310 zone 31, ‘di naman makikiya sa CCTV. Malapit pa man din sa presinto. – Concerned citizen

Kalsada sa Brgy 66, Manila nilagyan
ng gate, perwisyo sa commuters
Good day po. Sana makarating ito kay Mayor Isko. Nagdaan naman ang clearing operation sa may Coral-Pacheco sa may Barangay 66 zone 6. Hindi na kasi binuksan yung daanan, perwisyo na sa mga dadaan. Yung gate na ginawa ng barangay hindi na binuksan, kaya kapag naka motor ka iikot ka pa ng malayo. Ginagawa lang naman paradahan at nilagyan pa ng sofa para tambayan, tabi pa ng barangay mismo. Sana maaksyunan. Salamat po. – Concerned citizen

Reklamo ng vendors sa bangketa
sa Bacolod City
GUD AM PO. DITO PO SA BACOLOD CITY, ASK LANG PO BAKIT SOBRANG HIGPIT PO ANG IBANG PULIS NA SUMASAMA SA LGU. PAG MAGSITA SA TAGA- SIDEWALK SOBRANG TAPANG. ASK LANG PO: PUMAYAG NAMAN ANG MGA BASAR OR HARDWARE NA DUMIKIT SA DING2, BAKIT PAALISIN PA PO? PAYAG NAMAN ANG MAY ARI. ASK LANG PO HINDI BA ANG MAGPAALIS SA SIDEWALK ANG MAY TINDAHAN DAHIL SILA NAMAN PO ANG PUMAYAG? ANO PAGUTUMIN PO BA NILA ANG TAGA-SIDEWALK AT UMASA NALANG SA BIGAY NG GOBERNO? MAYROON NAMAN PONG PULIS NA MARUNONG MAKIUSAP AT MAGSITA SA TAGA -SIDEWALK. SANA BIGYAN NYO PO NG PANSIN ANG TXT NA ITO. MARAMING SALAMAT PO SA INYO – VENDOR
(Editor: Ang bangketa ay pag-aari ng gobyerno. Kaya may karapatan ang mga otoridad na linisin ang bangeta para daanan ng mga tao o mamimili. Sumunod nalang kayo sa clearing operations ng gobyerno)

Ex-O ng Brgy 38 walang ginawa
kundi magpataya sa EZ-2
Magandang araw po. Dito sa Barangay 38 zone 3, District 1, Tondo, Manila, sa may Tagumpay st. ang Ex-O dito wala nang ginagawa kundi magpataya lang ng EZ2. Sana makarating ito po sa Barangay Bureau at kay Mayor Isko Morino. Sana po maaksyonan n ito para hindi pamarisan ang isang EX -O na nagpataya ng EZ 2 na iligal araw-gabi. – Concern citizen ng Barangay 38

Leave A Reply

Your email address will not be published.