Advertisers

Advertisers

Bulkang Taal nagtala ng 100 pagyanig

0 257

Advertisers

MULING nakapagtala ang Bulkang Taal ng 113 volcanic tremor episodes sa nakalipas na 24 na oras.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumagal ito ng isa hanggang 34 na minuto.
Ang naturang mga pagyanig ay pagpapakita pa rin ng abnormalidad, isang taon makaraang magkaroon ito ng phreatic eruption.
Pero sa kasalukuyan, kahit sunod-sunod ang volcanic quakes, mahina naman ang inilalabas na usok sa main crater nito.
Tinitingnan na rin ng Phivolcs ang pamamaga ng lupa sa volcano island, pati na ang temperatura ng tubig sa naturang lawa.