Advertisers

Advertisers

Pagsama sa mayors sa priority list ng covid vaccination isinulong narin sana – Sen. Binay

0 281

Advertisers

NANINIWALA si Senador Nancy Binay na dapat isinulong na rin sana umano na makasama ang mga alkalde sa priority list na mabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang pananaw ni Binay makaraang hingian ng paliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang limang mayor dahil sa pagpapabakuna kahit hindi naman health workers na siyang prayoridad na mabakunahan.
Ani Binay, dapat ay ipinanawagan na lang din sana noon na isama ang mga alkalde sa priority list para mahikayat ang kanilang nasasakupan na magpabakuna.
“Siguro sana naging panawagan na lang sana isama sila sa priority just to encourage, not because gusto nila mauna na makuha ang benefits ng vaccine,” wika ni Binay.
Nauunawan umano niya na hindi dahil gusto lang ng mga alkalde na magpabakuna para makakuha ng proteksyon sa virus kundi dahil kailangan din bilang ama ng kanilang bayan.
“Naiintindihan ko yung rationale kung bakit nagpabakuna ang mga mayor…the best way to encourage them (health workers) is kung nakikita nila ang ama ng bayan ay nagpabakuna but ang problema hindi pa ‘yun ang policy.”
Una rito napaulat ang pagpapabakuna ng ilang alkalde kahit hindi kasama sa priority list dahilan para pagpaliwanagin ng DILG kung saa mga alkalde ay nasa ilalim ng A4 habang nasa A1 ang mga healthcare workers. (Mylene Alfonso)