Para kay PB Irene Benito ng Bgy 345, Maynila: Bahay na jeep sa kalye alisin

56

Good morning po. Sana po mabasa ni PB Iene Benito ng Bgy.345 z35 ang mag-asawang nakatira sa bakanteng jeep malapit sa Batangas st. Nandon lahat ng kalakal, don na nagluluto sa labas, naglalaba at umiihi. Ang tagal na dyan yan. Balita namin kalakal-salisi. Kilala raw sila ni Chairman, ‘di naman pansin ng may-ari ng jeep na green ang kulay, nakalagay Noy Rose. Sana naman alisin na jeep pati yung nakatira. Di naman sila taga-riyan, bigla nalang sumulpot dito. Pagmumulan pa ng sakit yan. Salamat po. – Concerned citizen

Nagkalat parin ang pagawaan ng mga pekeng dokumento sa Recto-Quiapo
GANDANG UMAGA PO, MAY0R ISKO M0REN0. BAKIT PO NAGLALAKIHAN PARIN MGA SIGNB0ARD NG MGA GUMAGAWA NG PEKENG MGA DOKUMENTO? KALA KO PINAGBABAWAL AT HINUHULI. EH NAGKALAT PADIN DITO, MULA QUIAPO HANGGANG RECTO! – CONCERNED CITIZEN

Malapad na kalye ng Zaragosa, Delpan, Tondo, garahe na ng mga trak at jeepney
Report ko po dito Zaragosa, Delpa, Tondo, Manila. Sana po magpunta ang MMDA dito. Ang dami po nakaparadang trak at jeep dito. Ginawa po nilang garahe ang Zaragosa, Delpan. Wala na kami madaanan, puro trak na ang kalsada. Sa gitna na dumadaan ang mga tao. Sana magreker ng MMDA dito para malinis ang Zaragosa- Jollibee hanggang GAT Hospital . Ang MTPB ‘di nanghihila rito, may timbre siguro. Salamat po – Concerned citizen

Leave A Reply

Your email address will not be published.