Misis nilaslas ang leeg sa CamSur

279

NATAGPUANG patay at may laslas sa leeg ang 30- anyos na ginang sa kaniyang bahay sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Ressian Bechayda-Dumagat, supervisor ng health maintenance organization ng Bicol AccessHealth Centrum Hospital sa Naga City.
Natagpuan ang bangkay ng kaniyang mister na sundalo na si Army Corporal Rejan Dumagat sa loob ng kanilang kuwarto 10:00 ng gabi. Walang saplot pang-ibaba ang biktima.
Ayon sa pulisya, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente. Hindi rin nila makumpirma kung ginahasa ang biktima bago pinatay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.