Nawawala si Digong

339

TULAD ng madalas nangyari kapag nahaharap ang bansa sa kontrobersiya at krisis, nawawala si Rodrigo Duterte ng walang kaabog-abog. Walang magsabi kung saan siya pumunta o naglalagi. Maliban sa mga kuha ni Bong Go na madalas kaduda-duda, walang anumang patunay o opisyal na paliwanag. Sanay ang bayan sa ganitong sitwasyon. Tulad ng madalas nangyari, nagsulputan ang iba’t ibang tsismis. Sangkatutak na haka-haka. Walang opisyal na paliwanag.

Sa totoo lang, wala kaming pakialam kung totoong nawawala ang sumpunging lider. Isa kami sa mga magbubunyi at magdiriwang kung tuluyan siyang mawawala sa kapangyarihan. Hindi kami magdadasal upang tumagal siya sa Malacanang. Ganyan kasimple ang aming paninindigan. Ibang paksa naman ang ating pag-usapan.
*
BATAY sa mga nagsusulputang post sa social media, alam ng maraming netizen kung sino-sino ang nagpapanggap na oposisyon. Sila yata ang hindi kapani-paniwala. Kahit pumipitik-pitik kay Duterte, bahagi sila sa mekanismo upang dumami ang mga patayan, o EJKs, sa madugo ngunit bigong digmaan sa ilegal na droga. Sila ang mga pumayag upang mangutang si Duterte ng katakot-takot at ibaon ang bansa sa napakalaking utang kahit walang nakikitang liwanag upang masugpo ang pandemya.

Sila ang mga taong hindi minumura ni Duterte. Hindi nga sila ang pinapansin ng bangag na si Duterte. Kung bumabatikos,, halatang pigil ang renda at mistulang natatakot. Wala kredibilidad at hindi pinaniniwalaan ng sambayanan. Sila ang oposisyon sa mismong hanay ng naghaharing koalisyon. Hindi sila iba at hinahayaan nila si Duterte at ang naghaharing koalisyon upang magsamantala sa sambayanan.

Kilala ng sambayanan sina Manny Pacquiao, Ping Lacson, Dick Gordon, at Tito Sotto. Hindi sila mga oposisyonista, ngunit nagpapanggap lamang. Kung baga sa itlog sila ang mga malasado ang pagkakaluto. Hindi tumigas. Malambot at mistulang gulaman.

Problema dahil manggugulo sila sa susunod na halalan. Wala silang panalo ngunit maaaring maaapektuhan ang tsansa ng oposisyon kapag nahati ang boto. Sino ang maniniwala kayMane o Ping, o Dick? Bakit kailangan seryosohin sila?

***

MALAKI ang problema ng bansa sa mga datos na ibinibigay ng Department of Health, o DOH. Ang mga datos ang batayan ng mga desisyon na ginagawa ng mga mamamayan sa araw-araw. Maaari silang lumabas o manatili sa kanilang tahanan batay sa lumalabas ng datos ng DoH tuwing alas-kuwatro ng hapon.

Hindi natin alam ang totoong bilang na mga nagkakasakit ng Covid-19 dahil tatlo, o apat, o limang diagnostics center ang hindi nagsusumite ng datos. Umabot sa mahigit 12,000 ang nagkasakit ng mapinsalang virus itong kasagsagan ng pangalawang sigwa ng pandemya. Ngayon, biglang bagsak ang bilang sa kalahati sapagkat hindi na nagsumite ng datos ang mga ilang disgnatics center na nagsasawa ng mga testing sa nag-uulat na dinapuan.

Hindi natin alam kung totoo ang positivity rate ng ibinabando ng DoH. Iniulat na nasa 20% ang positibo sa mga sumailalim ng testing, ngunit dahil hindi sapat ang datos ng DoH, iba ang aming pakiramdam. Impresyon namin na hindi tinutulungan si Francisco Duque ng burukrasya ng DoH. Dahil batid nila na mahinang lider si Duque, pinaglalaruan siya.

Hindi lang ang bilang ng mga namamatay sa pandemya ang may mga tanong. Sa unang bahagi ng Abril, masyadong kaunti ang bilang ng mga namatay. Tatlo, apat, lima, pito. Ngunit bilang taas sa mga sumunod na araw. Mahigit 300 noong Abril 6 at 200 noong Abril 7. Paliwanag ng DoG: Hindi naiulat agad ang bilang ng mga namatay.

Nakababahala ang ganitong pagtaas. Iisa ang ibig sabihin: Kalat na kalat ang mapangnib na virus. Maaaring tamaan ang kahit sino. Malaking pinsala sa katawan ang aabutin ng sinuman kung mabubuhay ang nagkakasakit. Malaking pinsala rin sa bulsa at kabuhayan. Siempre, hindi na lalabas ang mga tao. Malaking bawas ito sa paggulong ng ekonomiya.

***

SA PINAKAHULING ulat ng ABS-CBN News, umabot na sa 922,898 ang naturukan ng bakuna. Kung ihahambing, napakalayo ng Indonesia. Lampas 15 milyon ang nabakunahan doon. Maaga ang kanilang rollout sa bakuna dahil may foresight ang kanilang mga lider. Nakipagkontrata sila sa mga gumagawa ng bakuna noong Hunyo pa lamang ng nakaraang taon at nagbayad.

Hindi ganito ang ginawa ni Duterte. Ayaw magbayad dahil naubos na ni Duterte ang salapi sa kaban ng bayan sa iba’t-ibang dahilan. May sapantaha kami na itinago ni Sonny Dominguez ang salapi ng bayan. Walang alam si Duterte pagdating sa usapin ng pananalapi. Tanga siya pagdating sa numero. Kaya wala tayong rollout sa bakuna hanggang Marso.

* **

HINDI kami sang-ayon na maging running mate ni Bise Presidente Leni Robredo si Senadora Grace Poe. Hindi namin maalis ang aming duda kay Grace Poe. Wala kaming tiwala sa kanyang kakayahan at integridad. Narito ang ulat ni Ba Ipe:

TRILLANES TO RECOMMEND GRACE POE TO BE LENI’S VP BET in 2022

Opposition leader Sonny Trillanes today claimed the political opposition has thrown its support on Vice President Leni Robredo to be its presidential candidate in 2022, but said, if she decides to accept the nomination, he would recommend Sen. Grace Poe to be her running mate to unite the political opposition forces.

Interviewed by radio host Rod Tecson over Iloilo Metropolitan Times Conversations, Trillanes said he would also make himself available in case the Vice President rejects Grace Poe, adding he would consider any overture to this end.

Trillanes said many democratic elements have blamed Grace Poe for the loss of presidential bet Mar Roxas in 2016, but claimed she has presented herself to be a good choice to unite what has been perceived the “disunited opposition.” He did not say if Grace Poe still has the support of remnants of political forces , who supported her in 2016.

He did not say if Grace Poe would accept a vice presidential nomination, as she had rejected the same overtures in 2016 and chose to run instead for president to divide the votes between her and Mar Roxas.

Grace Poe was earlier reported she would not run for president in 2022, but said she would consider running for vice president without specifying under whom. She is one of the five names being considered by 1Sambayan, the coalition of opposition forces tasked to select the opposition candidate. Trillanes said 1Samabayan has made clear that whoever is chosen as its president bet, he or she would be empowered to pick his running mate.

Trillanes said Magdalo has decided to field him to run for a national position in 2022, but stressed the political situation is “very fluid” because of the national situation. He said he could run for president, only if the Vice President refuses to run for president, or if 1Sambayan, the opposition coalition chooses him.

***

Email:bootsfra@yahoo.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.