Advertisers

Advertisers

Pinipili ang binibigyan ng ayuda sa Bgy 29, Manila

0 439

Advertisers

Report ko po dito Barangay 29. Sira ulo ang ilang opisyal ng barangay dito. Namimili ng bibigyan ng SAP. Pag alam nilang hindi nila botante, hindi nila papasinin. Ang binibigyan ng ayuda puros kamag-anak nila na mga opisyal lalo ng tserman. Mga residente dito wala natatanggap. Buti pa mga tambay may mga SAP o ayuda, paano kamag-anak ng tserman. Sana po mabasa ni Mayor Isko ito para matanggal na mga hinayupak na korap na opisyal dito sa Barangay 29. – Residente ng Bgy 29, Manila

Hinaing ng mga ‘di nabigyan ng ayuda sa Brgy. Pasong Kawayan 2, Gen. Trias, Cavite
Good day po kami po ang residente ng bayan ng General Trias, Cavite. Sinabi po ni Gov. Jonvic Remulla na lahat ng pamilya ay makakatanggap ng ayuda. Pero ang nangyayari po dito sa brgy namin, BGRY. PASONG KAWAYAN DOS, ay binabase ng mga nagba-validate kuno na ang mabibigyan lang ng ayuda ay ang mga unang nakakuha ng SAP last year. E paano po kaming mga hindi manlang na-interview at nabigyan ng form ng SAP last year, dahil dahilan po nila ay nagkaubusan na raw ng form? Pinapapila nila ang tao tapos palilistahin, hiwalay ang mga nakatanggap ng SAP nung una at mga hindi nakatanggap. Hindi po patas at malayo sa mga sinabi ni Gov. Remulla ang ginagawa ng Brgy at mga kawani nito. Sana po mabigyang-pansin ang hinaing namin. Dahil walang tao ang ‘di naapektuhan ng pandemyang ito. Nananawagan po kami dito sa KAIA HOMES PHASE 3. Maraming salamat po.

Pinipili ang binibigyan ng ayuda
sa Brgy 29, Tondo, Manila
Report lang po dito sa Barangay 29, Tondo, Manila. Wala rin kami natatagap na ayuda mula 2020. Nililihim ni (Bgy official) ang binibigyan ng ayuda. Ang mga binibigyan lang nila mga tanod at kamag-anak nila. Dapat malaman ni Mayor Isko itong ginawa ng opisyal ng barangay dito. – Concerned citizen.