Advertisers

Advertisers

Aj nagalit ang erpat na si Jeric nang magpaseksi sa movie; Joshua aso ang kapalit ng paglabas sa music video ni Moira

0 237

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KAHIT na malabo ang usapang balikan sa pagitan nina Julia Barretto na ngayon ay happily in love kay Gerald Anderson, at Joshua Garcia,  may followers pa rin ang JoshLia na kinikilig pa rin sa tambalan ng kanilang mga idolo.

Tulad na lang lang nang magsama silang dalawa sa  music video ng kanta ni Moira dela Torre na “Paubaya”. Kaya milyones ang inabot ng views nito. Pero mas higit na kinilig ang followers nina Joshua at Julia dahil sa binigay na regalo ni Moira kay Joshua, isang tutang golden retriever bilang pasasalamat ng singer sa paglabas sa kanyang music video.



Say nga ng mga JoshLia, mananatiling alaala ni Josh ang naturang tuta dahil sa dalawa sila ni Julia ang magkatambal sa music video.

Kitang-kita naman sa aura ni Joshua ang kasiyahan sa natanggap na gift from Moira at pinangalanan pa niya itong Marley at nagpost agad si Joshua ng photo ng kanyang bagong alaga at nilagyan pa niyang ganitong caption:



“I promise I’ll take care of you”.

Aliw na aliw naman si Joshua sa bago niyang pagkakaabalahan at siya ang personal na nag-aalaga kay Marley. As in hands-on talaga ang aktor sa pagpapalaki ng kanyang bagong tuta. Siya ang nagpapakain at nagpapaligo kay Marley.



***

SA umpisa palang ay tutol si Jeric Raval sa plano ng anak na dalagang si AJ Raval na pumasok sa showbiz kung ang tatahakin naman nito ay sexy package.

Pero dahil sa pangarap talaga ni AJ na maging  artista tulad ng ama,  ang pagpapaseksi ang kanyang ginawang stepping stone para makapasok sa mundo ng showbiz. Hindi na tumutol pa si Jeric dahil isa rin siyang artista, pero sa kagustuhan na ang kanyang pagpapaseksi ay sa trabaho lamang o kinakailangan talaga sa isang pelikula.

At dahil dito ay natuloy na nga ang masasabing launching movie ni AJ na “Death of a Girlfriend” katambal si Diego Loyzaga under Viva Entertainment.

Tila nakalimot si AJ sa usapan nilang mag-ama at nagpost ng mga sexy photos niya sa sariling social media account. At nang makita ito ng ama ay ganun na lang ang galit nito sa anak.

“Nagalit po siya kaya ngayon deleted na yung post ko. Ipinaalis po. Nagalit po siya kasi pinag-usapan na namin na magpapaseksi po kung work lang po, kapag kailangan,” ani  AJ.

At sa pangyayaring ito, tuluyan na ba siyang di pinayagan ng ama na magpatuloy sa showbiz?

“Sa totoo lang po, hindi sila naging supportive noong una. Pero ngayon naman po, hinahayaan na po nila ako,” tugon pa  ni AJ.