Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PANSAMANTALA munang hindi mapapanood sa telebisyon ang original reality kiddie singing competition ng Kapuso Network na ‘Centerstage’ simula ngayong Linggo (April 18).
Bilang pagsunod sa taping protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, pansamantala munang ititigil ng Kapuso Network ang pag-ere ng Centerstage sa loob ng tatlong linggo.
Wala naman dapat ikalungkot ang viewers dahil sa May ay muling sasabak ang Bida Kids sa mas matinding pasiklaban hanggang grand finale.
Samantala, balikan naman ang nakabibilib na performances ng Clashers sa flashback specials ng singing competition na The Clash mula Season 1 hanggang Season 3 na pansamantala munang mapapanood sa timeslot ng Centerstage.
***
AWIT SA PANDEMYA VIRTUAL CONCERT, BUKAS NA
ISA sa pinakamatinding tinamaan ng pandemya dulot ng Covid-19 ay ang entertainment industry. Natigil kasi ang mga live events at wala pang kasiguraduhan kung kailan babalik sa normal ang lahat.
Kaya naman ang The Philippine Movie Press Club (PMPC), ay bumuo ng virtual concert titled “AWIT SA PANDEMYA …. A PMPC BENEFIT CONCERT“ na magaganap sa April 18, 2021 (Sunday), ticket2me.net platform, 8:00 PM (PHST & SGT), 5:00 AM (PDT).
Isa itong virtual concert na magsasama sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad ng bansa. Ang AWIT SA PANDEMYA ay fundraising concert na hindi lang layon ang makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood kundi para makalikom din ng halaga dahil ang proceeds ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members lalo na ang mga senior at may sakit na miyembro nito.
Pangungunahan ng mga singers at artists na sina Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela, Gerald Santos, Ima Castro, Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma. Kasama pa ( in alphabetical order) sina JV Decena, Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia, Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa, Lil Vinceyy, and the Zcentido Ska Band.
Ang proyektong ito ay pinangunahan ng SPECIAL PROJECT COMMITTEE ng PMPC na binubuo nina Over-all Chairman/ at President ROLDAN CASTRO , Chairman/ VICE PRESIDENT FERNAN DE GUZMAN, Co-Chairman ROMMEL PLACENTE at ang mga miyembro nito na sina RODEL FERNANDO, BOY ROMERO, MILDRED BACUD, TIMMY BASIL at JOHN FONTANILLA.