Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
INAMIN ni Gerald Anderson na hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang naibibigay sa kanya ng girlfriend na si Julia Barretto.
“Ibang joy and inspiration, hindi ko din ma-explain, eh. Parang nabibigyan ako ng panibagong motivation, di ko alam kung kasama na rin edad ko kasi 32 na ako,” pahayag ni Gerald sa interview ng I Feel U episode na lumabas sa ABS-CBN News.
Sabi pa ni Gerald, “Talagang alam kong nandiyan siya lagi on my side. So, parang kung ano yung binibigay niya sa akin, gusto ko i-time stamp pa yon. Kung barko ako, siya nagbibigay ng power and fuel para tumuloy dito sa buhay.”
Open book naman sa lahat na bago si Julia ay dumaan din sa ilang failed relationship si Gerald. Pero nandoon at nananatili pa rin daw ang respeto niya sa mga naging karelasyon.
“Maraming ups and downs. Despite maraming failures, yong respeto ko sa nagiging relationship ko will always be there,” aniya.
“Hindi ko pa rin makuhang magsabi ng masama or hindi maganda against that person na meron akong special relationship before. Respeto ko nandon pa din. At the end of the day, hindi dapat mawawala yun. Never forget happy moments ninyo, kasi ngumiti rin kayo at madami rin kayong nagawang masasayang bagay,” patuloy pa ni Gerald.
Samantalang inihayag naman ni Julia na gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya at magkaanak.
***
Andrea to Derek —- “Keep calm and let karma finish it”
Ang post ni Andrea Torres sa Instagram na, “Keep calm and let karma finish it” ay naging dahilan ng sagutan ng fans nina Andrea at Derek Ramsay, dahil pinalalabas ng maka-Derek na ito raw ang sagot ni Andrea sa latest interview ng actor na siya ang nakipagkalas sa aktres at sa pamamagitan lang ng phone ito nangyari.
Ang payo ng fans ni Derek kay Andrea ay mag-move on na raw ito sa break-up nilang dalawa. Sinagot ito ng fans ni Andrea, sa dalawa ay si Derek ang hindi pa nakapag-move-on. Patunay raw nito ay laging binabanggit si Andrea sa interview ni Derek.
Dapat daw gawin ni Derek ay tigilan nang idamay pa si Andrea sa mga interview nito, lalo`t sinasabi naman nito na masaya siya ngayon sa piling ni Ellen Adarna. Pero ang nangyayari ay puro daldal daw si Derek.
In fairness naman kay Andrea ay ngayon lang ito nag-react.
Siguro nasabi ni Derek na isa sa hindi nila napagkakasunduan dalawa ay dahil sa pamilya ni Andrea. Marami naman ang nakakaalam kung gaano ka-close si Andrea sa kanyang magulang.
Hanggang ngayon nga ay kasama pa rin nito ang nanay sa mga lakad, pati na sa taping at shooting.
Wala pang reaction si Derek sa naging post ni Andrea. Ang latest post nito sa IG ay sinasabihan niya si Ellen ng “I love you.” At love raw niya sina Ellen at anak nitong si Elias. Larawan nila ni Ellen ang naka-post sa IG Story niya.
Comment pa ng fans ni Andrea na matitigil lang siguro si Derek sa pagdamay sa pangalan ng actress kapag ikinasal na sila ni Ellen. Kaya payo nila na bilisan nina Derek at Ellen ang pagpapakasal.
If ever na kasal na sina Ellen at Derek at patuloy pa ring binabanggit ng actor ang pangalan ni Andrea ay isa lang ang ibig sabihin, hindi pa rin ito nakakapag-move-on.
At kung dumating (knock on wood) na `magsawa` na rin daw si Derek kay Ellen ay siguradong hihiwalay din ito sa ex ni John Lloyd Cruz.