Advertisers

Advertisers

Ellen at Derek KKB kahit magka-live-in pa

0 269

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

INAMIN na rin mismo ng hunk actor na si Derek Ramsay na sa bahay na niya nakatira ang fiancee na si Ellen Adarna at ang anak nito kay John Lloyd Cruz na si Elias. Marami ang nagsasabing engaged na rin naman daw ang dalawa bakit hindi na lang pakasal ang mga ito kaysa maglive-in pa?

In a rush ba talaga sina Derek at Ellen na magsama na sa iisang bubong? Say ni Ellen, wala naman daw big deal sa parte niya sakaling makipaglive-in siya sa boypren bago pa magpakasal at kinalakihan daw niya ang isang pamilya na ang kanyang mga magulang ay  tipong mga ‘not so conservative’.



Mismong ang mga magulang pa nga raw niya ang nagsabing kilalanin na muna maigi ang mapapangasawa bago pa man pakasal.

“Kasi ‘yun talaga fear niya, ‘yung magpakasal kami at a very young age. So he wanted us to get to know our partner to know what we want and what we don’t want. My dad is so different but my mom’s always scared,” sabi ni Ellen.



Inamin din ni Ellen na hindi siya yung martir na tipo ng babaeng kayang magtiis para lang maitaguyod nang matagalan ang isang relasyon.

“I think that’s why my relationships don’t last long kasi ako hindi ako matiis eh.



Ok, we lived in for months. I don’t wanna be with this guy so why would I waste my time.

Mas mabuti na ‘yung i-test drive mo muna… For your protection also you have to think about the future and yourself because things can really go wrong,” dagdag ni Ellen.

Pagdating naman sa bayaran o gastusin sa bahay sinabi ni Ellen na sa mga live-in arrangement niya noon sa mga  nakarelasyon, siya ang nagbabayad sa kanyang bills at sinusunod nila ang KKB o kaniya-kanyang bayad rule.

***

INAMIN ni Khalil Ramos na nitong nakaraang buwan ay nalaman niyang positibo siya sa COVID 19 virus.

Kaya nag-quarantine siya ng halos isang buwan bago tuluyang nalaman na lubusan na siyang magaling at negatibo na sa virus. Pero habang nasa quarantine ay labis-labis din ang pag-aalala ni Khalil para sa kanyang pamilya na lagi niyang kasama at ganun na rin si girlfriend na si Gabbi Garcia. Pasalamat na lang si Khalil na bukod sa kanya ay wala nang iba pa sa member ng kanyang pamilya ang nahawaan ng virus.

At ganun din naman si Gabbi at pamilya nito.

“I had very, very mild symptoms. May kaunting hingal tsaka nangati ‘yung throat ko nang kaunti, tsaka headaches.  ‘Yung headache na migraine, pero hindi ako nagkalagnat at hindi rin tumuloy sa ubo,” sabi ni Khalil.

Nitong Abril 8, naging COVID-free na si Khalil matapos magnegatibo sa kanyang RT-PCR test.

At nang maimpormahan si Gabbi sa pagiging positibo ng boypren ay agad ding nag-quarantine si Gabbi na naging close contact ng kanyang nobyo at naging negative naman ang test result nito.

“She also had to undergo quarantine. Pero thankfully, never siyang nag-positive actually. And her whole family also is safe so buti na lang,” ayon pa kay Khalil.

At nang muling nagkapiling ang dalawa ay nabuo naman ang isang community pantry na inorganisa ni Gabbi katuwang ang ilang malalapit na kaibigan gayun na rin si Khalil.

“Noong una sabi ko ‘Sige let’s start small. Meron kasi kaming regular na nagtitinda ng gulay dito sa village namin pati ng sorbetes, sabi ko, ‘Kunin ko na lang muna, bilhin ko na lang muna lahat ng tinda nila for the day.’ The next day ginawa na namin, naglatag na kami ng tent. Ayun ‘yung nakakatuwa. Kasi ang daming donations, overflowing ‘yung donations na dumadating,” ayon kay Gabbi.