Advertisers

Advertisers

Angel nag-sorry sa gulo sa community pantry na ikinamatay ng senior citizen

0 369

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

HUMINGI ng paumanhin  si Angel Locsin sa publiko dahil sa pagdagsa ng mga tao sa kanyang community pantry.

Una nang napabalita kasi  ang pagkamatay ng isang matanda na pumila roon.



Sa nagsulputang picture na kumalat sa social media, makikita rin ang napakaraming taong pumila para makahingi ng tulong.

Dahil sa pangyayari, napagdesisyunan noong una ni Angel na ipamigay na lang ang mga natitirang goods sa kanyang pantry sa ibang pagkakataon.



Paliwanag naman ng Kapamilya actress, maayos silang nagsimula bandang 8:00 ng umaga at sinigurong sumunod sila sa safety protocols.

Binanggit din ni Angel na may mga awtoridad na rin mula sa kanilang LGU, PNP at barangay ang tumulong sa kanila para mapanatili ang social distancing.



Ganunpaman, nauunawaan daw ni Angel ang labis na pangangailangan ng tao lalo na ngayong may pandemya.

Nang maayos naman ang pila kinalaunan, itinuloy na rin ng aktres ang pamimigay ng natitirang ayuda sa tulong ng Task Force Disiplina at mga barangay tanod.

Ang aktres ay nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Abril 23.

Para sa kanyang kaarawan, ninais ni Angel na magpaabot ng tulong sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng community pantry na hango sa Maginhawa community pantry sa Quezon City.