Advertisers
SA pagdiriwang at selebrasyon ng Mother’s Day ngayong Mayo, magsasagawa ng dalawang araw na presentasyon ang Festival Queen at OPM Diva na si Ivy Violan kasama ang ilang kasamahan niya sa BahayNiOne artists.
Sa pakikipagtulungan ng Manila Rotary Club Archangel International at One Production House, makakasama ni Ivy sa concert na pinamagatang Pasasalamat Ma-Mere sina Ayegee Paredes, Joel Olivera, Angela O’la (Nicole Sy), Larissa, I’vs, at O’Win. Gaganapin ito sa May 9, 4pm, sa Facebook (Arcangel Intl.) at Youtube (One Production House.)
Magagandang awitin ang ihahandog ng mga nasabing dekalibreng artists na alay para sa ating mga ina sa buong mundo.
Samantala, sa May 15 naman ay idaraos ang isang espesyal na pagtatanghal na may titulong Pasasalamat Ma-Mere bilang pagdakila pa rin sa ating mga ina.
Katatampukan ito nina Ms. Nanette Inventor, Ms. Jam Morales, George Sison Tagle at Ms. Ivy Violan.
Kaya abangan at manuod ng dalawang araw na selebrasyon ng Mother’s Day sa pamamagitan ng magagandang awitin para sa lahat ng ina. (BKC)