Advertisers

Advertisers

Idol Raffy nagbabala sa pekeng FB account; Melai kinilig kay Jericho

0 231

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGBABALA  ang beteranong broadcast journalist na si Raffy Tulfo sa kanyang followers na mag-ingat tungkol sa kumakalat na fake niyang Facebook accounts.

Ayon sa pamosong journalist, may mga fake accounts daw na namimigay ng pera at ilang papremyo sa Facebook na ginagamit ang kanyang pangalan.



Pinag-iingat ni Raffy ang lahat na huwag magpadala sa bitag dahil ito raw ay isang malaking scam.

Aniya, dahil sa pandemya, karamihan daw sa mga tao ay nasa desperadong situwasyon na papatulan ng mga ito pati ang mga hindi lehitimong nababasa sa social media.



Paglilinaw pa ni Raffy, isa lang ang official Facebook account na sa ngayon ay meron nang 17 million followers at anumang social media page na kulang sa nabanggit na subscribers ay masasabing peke.

Nadidismaya rin ang matapang na broadcast journalist sa mga nabibiktima ng scam na sa halip na sa kanya lumapit ay mga ilehitimong sources pa ang tinatangkilik.



Kamakailan ay nagdiwang ng kaarawan ang top celebrity Youtuber sa isang plantito-themed surprise party.

Hirit naman noon ni Raffy, hindi naman niya kailangan ang bonggang selebrasyon lalo pa’t nahaharap ang bansa sa isang pandemya.

***

BAGO pa man nakilala si Melai Cantiveros at nanalo sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother, aminado siyang biggest crush niya ang magaling na actor na si Jericho Rosales.

Kaya naman nang binati siya ng actor sa kanyang kaarawan kahit huli na ito ay walang pagsidlan sa kasiyahan ang kanyang puso.

Ibinahagi niya ang belated birthday greetings sa kanya ni Echo sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng isang screenshot.

Sa screenshot ay nakasaad ang “Happy Birthday, Melai”.

May emote pa ito kahit pa huli na ang greeting sa kanya ng actor.

“Is this true? Waah! Kahit 20 days kana late magreet Jericho I will forever cherish it.”

Nagbigay naman ng iba’t ibang reaksyon ang mga kaibigan niya at kapwa celebrities sa kanyang hanash.

“Kahit 20 days late’ HAHA!”, reaksyon ni Bianca Gonzales.

“Hahaha,” komento naman ni Vina Morales.