Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
KAHIT sino, mapa-artista man o ordinaryong tao ay gustong tumulong o magkawanggawa sa kapwa lalo na ngayong pandemic.
Ang gusto at hangarin ng mga ito ay mapasaya ang kanilang kapwa at mabigyan ng mga biyaya at makaraos kahit paano sa gutom.
Ngayon, kung may aksidente mang mangyari gaya ng inorganisa ni Angel Locsin na “Community Pantry” sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City na regalo niya para sa kanyang kaarawan last April 23. Na habang nakapila ay aksidente ngang namatay ang 67-year-old na balut vendor na si Rolando dela Cruz, na isa sa libong nakapila na gustong makakuha ng gulay at grocery pack ni Angel.
Nahimatay ang matanda dahil sa alas 3 pa lang ng madaling araw pa lang ay nakapila na ito, kaya bandang hapon ay nahimatay at dead on arrival na pagdating sa ospital. So kasalanan ba ito ni Angel at kanyang staff? Na ang inaasahan lang daw ng Kapamilya actress na pupunta sa kanyang community pantry ay 300 katao pero dinagsa nga ito kung saan ay hindi napatupad ang health protocol o social distancing.
Aminado naman si Angel na may pagkakamali sila kaya personal itong pumunta sa burol ni Mang Rolando at nagbigay ng tulong sa pamilya. Nangako rin ito ng suporta para sa mga naiwan ng nasabing balut vendor. Pero sa kabila ng apology ni Angel ay ayaw siyang tantanan ng kanyang mga basher na majority maka-DDS. Sa totoo lang, durog na durog ang aktres sa panghuhusga at pangungutya sa kanya ng mga nangmamagaling na bashers na wala namang naitutulong sa ating bansa.
Sa pangyayaring ito ay ayaw na rin ni Angel na magdaos pa ng ganitong klase ng kawanggawa. At hangad nitong huwag naman daw sanang madamay ang ibang nag-oorganisa ng community pantry sa bansa.
***
Good Samaritan Na Donor Ng 1 Million Sa SPEED, Napasaya Ang 100 Bilang Ng Entertainment Media Sa Pabolosang Ayuda
Matapos ang matagumpay nilang 4th EDDY’s Virtual Awards Night last March 22 na star-studded, ang makatulong naman sa Entertainment Media ang sumunod na project ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) na sobrang apektadong lahat ng pandemya.
Tinawag ng SPEED ang special project nilang ito na “Project Kalingap” na 100 movie writers ang nabiyayaan ng napaka-generous nilang donor na hindi nagkait na magbigay ng tumataginting na 1 million pesos dahil concern din ito sa kalagayan ng press.
And through the kindness of SPEED, nasorpresa ang inyong columnist sa mensaheng aming natanggap mula sa Entertainment Editor ng HATAW D’Yaryo Ng Bayan No.1 sa Balita na si Ms. Maricris Nicasio na kabilang kami sa mabibigyan ng bonggang ayuda ng ayaw magpakilalang pilantropo.
Teary eyed kami at sobrang touched at may shock factor pa kami nang matanggap ang halagang binigay sa amin from SPEED na agad naibayad sa aming Meralco and water bills plus nakapag-grocery pa ang inyong lingkod. Napakasimple lang ng request ng lahat ng bumubuo ng SPEED na kinabibilangan nina Ms. Maricris, Ms. Ian Farinas, Mr. Nestor Cuartero, Ms. Salve Asis, Tessa Mauricio-Ariola, Dina Ventura, Trillana GF, Dindo Balares, Eugene Asis, Jojo Panaligan, Nickie Wang, Jerry Olea, Dondon Sermino, Ervin Santiago, at kaibigang Rohn Romulo.
Na aming pasalamatan sa aming dasal ang naturang mystery donor na may totoong malasakit sa entertainment press. Makaaasa ang nasabing good samaritan na celebrity man, businessman, o saan man itong field na isa na kami sa maraming magdarasal para sa kanya na gabayan siya lagi ng Itaas at lalo pang magtagumpay sa buhay.
From the bottom of my heart, a million thanks to you, very kind-hearted Ma’am o Sir.