Advertisers

Advertisers

CAFGU bumibili ng isda tinumba ng tandem

0 334

Advertisers

PATAY ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Danny Avila, 53 anyos, may asawa, kasapi ng Civilian Active Auxiliary (CAA) at residente ng Barangay Bato, Makilala, Cotabato.
Ayon sa ulat, bumili ng isda ang biktima sa gilid ng kalsada nang pagbabarilin ng mga salarin gamit ang kalibre.45 na pistola sa Barangay San Vicente, Makilala. Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.
Agad binawian ng buhay ang CAFGU dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.