Irelyn, Olivia at Rozz, sanib-pwersa sa ‘Three of A Kind’ show sa Amerika

158

EXCITED ang tatlong mahusay na mang-aawit na pawang taga-America na sina Irelyn Arana, Olivia Trinq at Rozz Daniels sa pagsasama-sama nila sa isang concert na pinamagatang ‘Three Of A Kind’ sa Disyembre mula sa produksyon ng huli.

Tiyak na mag-eenjoy ang mga manunood ng kanilang show sa States dahil pawang talented ang tatlo na may kanya-kanyang expertise sa pagkanta.

Si Olivia ay tinaguriang Power Belter, Pop Singer si Irelyn habang si Rozz ang Soft Rock Diva.

Ang ‘Three of A Kind’ ay una lang sa serye ng mga pagtatanghal na gagawin ng tatlong singers sa iba’t ibang bansa na inaasahang gagawin din dito sa Pinas.

Abangan din ang recording careers nina Rozz at Irelyn bago matapos ang taon. Isang kilalang kompositor ang gagawa ng kanta ng dalawang singers na siguradong maiibigan ng kanilang mga tagasuporta.

Samantala, patok sa KUMU ang The Rocks and Rozz Show nina Rozz at Irelyn tuwing Sabado, 11 am dito sa bansa at Biyernes, 10pm sa Tate. Puno ng kantahan, kuwentuhan at katatawanan ang live streaming show na kasama rin sina Jerome Sangalang, Harold Evangelista, Derf Dwayne, Analyn Toregosa at ang inyong lingkod.

Kung ang hanap nyo ay stree-free show at masayang barkadahan, tumutok na sa The Rocks and Rozz Show sa KUMU app tuwing Sabado, alas-11 ng umaga. Hanapin at i-follow si RozzDaniels. (BKC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.