Advertisers
Ni WALLY PERALTA
LABIS ang pagkadismaya at pagkagalit ni Heart Evangelista nang hindi sinasadyang makarating sa kanyang kaalaman na mayroon pala siyang isang follower na magpapatangos ng ilong at doon din daw sa doktor na nag-ayos ng ilong ni Heart niya ito ipagagawa.
Very proud pa raw nagkomento ang kanyang fan sa blog ni Heart tungkol sa bagay na ito.
“The doctor who did Heart Evangelista’s nose is going to do mine. I am so excited.”
Ikinagulantang naman ito ng bidang babae sa seryeng “I Left My Heart in Sorsogon” kasama sina Richard Yap at Paolo Contis. Say ni Heart, nais niyang makilala ang nagpapanggap na doktor at mabigyan ito ng legal na aksyon sa paggamit ng kanyang pangalan at pagsasabing sa kanya nagpatangos ng ilong si Heart.
“Who is this doctor because I can actually tell him, I didn’t do my nose and he is lying to you.”
“Please give me the name. You can actually sue him for lying to you,” pahayag ni Heart.
At sa isang hiwalay na tweet ay pahabol na komento pa ng Kapuso actress.
“To anyone who claimed the same to you, please message me their names. This is horribly wrong. To lie to you about this is just so wrong,” ani Heart.
***
THERE’S no stopping now para sa actor na si Jake Ejercito pagkatapos kasi na mahinto sa TV 5 ang noontime show nila nina Maja Salvador, Catriona Gray at Piolo Pascual, ang “Sunday Noontime Live” ay sabak naman ngayon si Jake sa isang serye kasama sina Janine Gutierrez, Sunshine Dizon at Paulo Avelino sa Kapamilya Network ang “Marry Me, Marry You”.
At hindi na rin malabo na mapasabak sa movie o ibang project si Jake, willing kaya siyang makatambal sa isang project ang ina ng kanyang anak na si Ellie, si Andi Eigenmann?
“Yeah why not? If the opportunity arises, pero mukhang heavy drama ‘yun kung Andi kasi, the heiress of drama kasi siya before e,” tugon ni Jake.
How about working sa biyenan niyang hilaw na si Jaclyn Jose?
“Oo naman. It would be an honor kasi Cannes Best Actress. Of course definitely. Tita J. The one and only,” dagdag pa ni Jake.
At dahil sa nasa dugo ni Ellie ang showbiz, hindi malayong mag-artista na rin ito pagdating ng araw, payagan kaya ni Jake na sumabak sa showbiz ang anak?
“Si Ellie kasi she’s been exposed to the industry because of Andi and they’ve had a lot of magazine shoots na and stuff like that. I’d say she’s really comfortable being in front of the camera.
If ever naman she decides to go into showbiz in the future, I won’t say no. Kung anong gusto niyang gawin, I’ll be rooting for her 110%,” dagdag pa ring say ni Jake.