Advertisers

Advertisers

PNP at PDEA bumuo ng bagong guidelines para maiwasan ang misencounter sa drug operation

0 229

Advertisers

NAGKASUNDO ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbuo ng guidelines upang mapalakas ang kampanya sa mga inilulunsad na operasyon kontra iligal na droga at maiwasan ang miscommunication sa pagitan ng dalawang ahensiya.
Sa ginanap na bilateral meeting sa pagitan ng PNP Official sa pangunguna ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar at PDEA official sa pamumuno ni Dir. Gen. Wilkins Villanueva sa Camp Crame sa Quezon City tinalakay ang kung paano mapapabuti ang koordinasyon, kooperasyon at pagtutulungan upang maiwasan ang pagkakaroon ng miscommunication at hindi pagkakaintindihan sa mga isinasagawang drug operation.
Ayon kay Eleazar, nagkasundo ang PNP at PDEA sa pagbuo ng mga “unified operational guideline at protocol” na siyang susundin ng PNP at PDEA sa pagsasagawa ng anti-drug operation.
Isinaad din ni Eleazar kabilang din sa napagkasunduan ang malinaw na pagsasaad ng “specific area” ng operation sa mga Station level sa mga malalaking Lungsod o Siyudad.
“Kasama ang PDEA, ito ang tututukan natin ngayon para maiwasan na maulit pa ang anumang pagkukulang sa koordinasyon at komunikasyon,” ani Eleazar.
Magugunita na isang miyembro ng PNP at 1 miyembro ng PDEA ang nasawi habang 4 pa iba ang sugatan nang magka-engkwentro ang dalawang panig sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng Ever Gotesco sa Commonwelth Ave, Quezon City noong Pebrero 24, 2021.
Ang nasabing insidente ay patuloy parin iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) batay na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nitong Biyernes, Mayo 14, muntik na naman magka-engkwentro ang mga elemento ng PDEA at QC Police Station sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot sa SM fairview Quezon City. (Mark Obleada)