Advertisers
PAPALO na sa halos 5-milyong indibidwal ang nababakunahan ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, malapit nang tumuntong sa 4.7-million ang bilang ng mga indibidwal na nabigyan ng COVID-19 vaccine mula noong Marso.
Sa ngayon higit 1-milyon sa mga ito ang fully vaccinated na, o nakatanggap ng dalawang doses ng bakuna.
Umaabot na aniya sa 170,000 doses ng bakuna ang naituturok ng gobyerno kada araw.
Pero target pa rin nilang maabot ang 500,000 jabs per day, para makamit ang target na 50-milyong indibidwal na mababakunahan sa pagtatapos ng taon.
Pahayag pa ni Vergeire, naka-depende pa rin sa supply ng bakuna ang pag-abot sa target, dahil patuloy na nagkakaubusan sa pandaigdigang supply.
Una nang sinabi ng DOH na target nilang maabot ang “population protection” sa NCR Plus sa pagtatapos ng 2021.
Ibig sabihin, sa pagtatapos ng taon ay dapat mabawasan na ang bilang ng mga nao-ospital at namamatay dahil sa COVID-19, at mas maraming Pilipino na ang nababakunahan.