Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ENJOY sa ngayon si Bea Alonzo sa kanyang pagiging vloger na inilalabas nito sa sarili nitong YouTube Channel.
Komportable naman itong nakakapag-vlog sa kanyang channel na kita ng netizens na kinaaliwan ng ex-gf ni Gerald Anderson.
Pero may tsika na tila hindi pa ito nagkukumpirma kung magiging Kapuso star na ito.
Nakabitin pa nga raw sa ere ang sagot ni Bea at wala pang katiyakan kung matutuloy pa siya sa Siyete.
Kaya naman ang movie na pagsasamahan nila ni Alden Richards ay naudlot dahil sa hindi pa pag-oo ni Bea, dagdag pa nga ang pandemya.
May bulong na mauuna pa nitong gawin ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz kaysa sa movie nila ni Alden.
Kaya tanong ng netizens, kapag sumagot ba si Bea ay tuloy na ang paggiling ng kamera sa film nila ni Alden?
Sabay sinagot din ng isa pang netizen na alam naman daw na kahit mag-oo pa si Bea na maging Kapuso ay ayaw pa rin mag-work ng actress hanggang may pandemya.
Kaya naman waiting galore ang GMA sa sagot ni Bea kung ano nga ba, ate?
Basta sa ngayon ay sa pagbla-vlog nalilibang si Bea bukod sa kanyang gym at farm.
***
MISMONG kay Sue Ramirez nanggaling na confident ito sa sarili.
Pagmamalaki nitong never nga raw niya naisip o nalagay sa utak niya na pangit siya.
Nag-sink in naman sa isip niya na maganda siya. Dagdag pa nito na wala nga raw pangit na nilikha ang Diyos kaya huwag ilagay sa kaisipan ang katagang pangit.
Kasi si Sue ay confident sa kanyang itsura at hilatsa ng face at kita naman.
Nagbabala pa nga ito na huwag gumaya sa mga nagpapa-beauty dahil magkakaiba nga raw ang skin types natin na puwedeng ang isa ay hiyang at yung isa ay may side effect.
Simpleng pagpapaganda ay okey na raw tulad ng ginagawa ni Sue sa kanyang beauty regimen.
Paalala pa nito na huwag ilagay sa mga kaisipan na ikaw ay pangit.
Basta nga raw si Sue, never lumagay sa utak nito na syongit siya. Confident lang sa sarili.
Well, well, well…’Yun na!