Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TILA may hudyat na malapit nang mapanood nsa TV ang mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz.
Matapos nga ang limang taon na pamamahinga sa showbiz ni Lloydie ay may mga senyales na mawa-watch na ito sa telebisyon.
Sa post ng isang Kapuso girl ay kita ang larawan na nag-shake hands pa sina John Lloyd at Willie habang nag-thumbs up naman si Direk Bobot Mortiz.
Kita rin sa post at papel at ballpen na nagkapirmahan na sina Lloydie at Willie.
Bago pa man ang post sa socmed, minsan na raw nagkita sina Lloydie at Willie sa Puerto Galera.
At isa nga sa tanong ni Willie ay kung ano nga ba raw ang dahilan ng paglisan nito sa showbiz at maganda naman ang paliwanag ni John Lloyd.
Na-boring nga raw ang aktor sa daily routine niya sa showbiz.
Bunigyan daw nito ng halaga ang kanyang sariling buhay kaya nagdesisyon na maging simple lang ang buhay.
Marami namang natuwa na followers sa hudyat na pagbabalik nito muli sa showbiz at sa Wowowin Tutok To Win ni Willie mapapanood ang tatay ni Elias.
Wish din ng netizens na makagawa ito ng serye sa bakuran ng Siyete bukod sa show ni Willie.
***
HINANGAAN si Judy Ann Santos sa ipinakita nitong malasakit sa kanyang mga empleyado.
Noong kasagsagan ng pandemya ay naapektuhan ang kanyang resto business na Angrydobo pati ang franchise nitong burger at pizza parlor.
Sa kabila noon ay ‘di na nga tumigil ang mag-asawa katuwang ang mister na si Ryan Agoncillo.
Nagpatuloy pa rin si Juday sa pagbi-business tru online dahil ito ang uso ngayon.
Related pa rin naman ang food business sa resto nito katunayan ay nag klik naman kahit pandemya.
Alam daw ni Juday ang walang trabaho ngayong panahon ng pandemya at never itong nagtanggal ng kanyang mga empleyado.
At kahit nga walang kitain ang kanyang food business or konti lang ang kita ay nangako ito na walang titigbakin na kanyang mga empleyado.
Happy naman ang kanyang mga manggagawa na sa kabila ng nararanasan na kahirapan ay nananatiling may trabaho kaya thankful sila sa mag-asawang Juday at Ryan.
Well, well, well…’Yun na!