Advertisers
NAGING memorable ang nakalipas na kaarawan ng anak ni dating Sen. Ping Lacson na si Pampi.
Sabay kasi siyang kinantahan ng ‘happy birthday’ ng dalawa niyang anak na sina Thirdy (anak kay Jodi Sta. Maria) at Mimi (anak kay Iwa Moto) habang may dalang cake. Siyempre, naroon din at kasabay nilang kumanta si Iwa.
Sobrang saya ni Pampi na nagdasal muna bago hipan ang cake matapos kantahan ni Iwa at ng mga anak.
Speaking of Pampi, ano kaya ang reaksyon niya sa sinabi ni Sen. Tito Sotto na sakaling maisipan daw niyang tumakbo bilang bise presidente sa darating na eleksyon sa susunod na taon, 2022, ang kanyang ama raw na si Sen. Ping ang nais nitong maging runningmate bilang presidente?
Sa interbyu kasi kay Sen. Sotto, natanong siya kung kanino kina Sen. Manny Pacquiao, Mayor Sara Duterte at Mayor Isko Moreno siya papayag na maging runningmate.
“First of all, I’m still considering it, and if I do consider it, the number one on my list would be Sen. Lacson,” sagot ni Sen. Tito.
Aniya pa, alam daw niya ang kapasidad ni Sen. Lacson at ang magagawa nito para sa bansa.
“If he runs for president, I will support him,” dagdag ni Sen. Sotto.
Tahimik lang nman at walang binigay na reaksyon si Pampi hinggil dito. (BKC)