Advertisers
IKINOKONSIDERA ng gobyerno ang pagbibigay ng insentibo sa mga indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ikinukunsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagkakaloob ng insentibo para makapanghikayat sa publiko na magpabakuna na.
Kabilang sa mga nakikita niyang posibleng ibigay na insentibo sa mga nabakunahan na ay ang pagpayag sa mga 65-anyos pataas na makalabas na ng kanilang bahay.
Kasama rin dito ang mas maikli na quarantine period sa mga babiyahe kapag sila ay nakakuha ng negative result sa RT-PCR test.
Una rito, pinaikli na sa pitong araw ang quarantine period mula sa dating 14 days ng mga fully vaccinated na inbound travelers.