Alden’s Reality concert, finalist sa NYF Awards!
Advertisers
Ni BKC
PASOK ang virtual reality concert ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na “Alden’s Reality” sa short-listed entries mula sa Pilipinas sa 2021 New York Festivals (NYF) “World’s Best TV and Films” Competition.
Ang nasabing kauna-unahang virtual reality concert sa bansa ay nominado sa ilalim ng Entertainment Special: Special Event category. Bukod sa Alden’s Reality, finalist din sa NYF ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Reel Time, Reporter’s Notebook, at The Atom Araullo Specials. Ang Kapuso Network nga ang may pinakamaraming shortlisted entries mula sa Pilipinas dahil 5 finalist nominations ang nakuha nito.
Matatandaang ginanap ang Alden’s Reality na produced ng Synergy: A GMA Collaboration noong Disyembre bilang selebrasyon ng isang dekada ni Alden sa showbiz. Ito rin ang kauna-unahang international nomination ng nasabing hit concert.
***
Buwayang co-star ni Ruru, bongga ang “TF”
“HIGHEST paid actor” kung ituring ang dambuhalang buwaya na bibida kasama ni Ruru Madrid sa upcoming adventure series ng GMA na “Lolong.”
Sa sobrang laki kasi ng 22-feet na buwaya na gaganap bilang si Dakila sa serye, 14 katao ang kinakailangan upang mapagalaw ang nasabing animatronic na gawa sa fiberglass body at silicone skin. Gagamit din ang production team ng pneumatic technology o yung air compression na remotely operated by a mechanic o technician upang maging realistic ang galaw ni Dakila na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa kuwento.
Bongga ha! Dinaig pa yata ang TF ni Ruru. Pero wala naman ito sa Kapuso actor dahil napakalaking proyekto ang pagbibidahan niya. Kahit sino sigurong artista na mapabilang sa ganito kalaking show ay magiging grateful at proud na. Ano pa kaya si Ruru na titular role ang pagbabalik sa primetime?
Thankful din ang Kapuso actor dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataon na makagawa ng serye under GMA Public Affairs. Matatandaang bumida si Ruru sa Naku, Boss Ko at TODA One I Love na parehong pinusuan ng viewers.
Bukod kay Dakila, makakasama rin ni Ruru sa serye sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Hindi pa niri-reveal ang buong cast pero ngayon pa lang curious na ang marami kung sinu-sino pa ang bubuo sa Lolong.