Advertisers

Advertisers

Quarantine sa ‘fully vaccinated’ balikbayan pinaaalis na

0 287

Advertisers

NANAWAGAN ang ilang mambabatas sa pamahalaan na alisin na ang quarantine protocol sa mga nagbabalikbayang Pilipino na fully vaccinated na.

Ayon kay ACT-CIS Partylist Rep. Nina Taduran pabigat lang sa balikbayan ang pagsailalim sa quarantine lalo na at mababa na ang panganib na mahawa at makapanghawa ito matapos na makuha ang full dose ng bakuna laban sa Covid-19.

Tinukoy nito ang pag-aaral na inilabas ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, sinasabing ang mga taong nakatapos na ng bakuna, lalo na ng mRNA vaccine, ay mas mababa ang tyansang maging asymptomatic at carrier ng virus.



Ayon naman kay Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong, kailangan lamang mag-presenta ng katibayan o patunay na nabakunahan na ang mga OFW at returning overseas Filipinos.

Maaari pa rin naman aniyang obligahin ang mga ito na sumalang sa RT-PCR test oras na dumating ng bansa.



Diin ng kinatawan, higit na masusulit ng mga OFW at ROFs ang kanilang bakasyon at pag-uwi para makasama ang kanilang pamilya kaysa gugulin ito sa isolation facility.

Sa rekomendasyon ng IATF, kailangan sumailalim sa mandatory 7 days quarantine ang isang OFW kahit pa fully vaccinated na ito. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">