Advertisers
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapalawig ng travel ban ng pito pang bansa hanggang Hunyo 30 alinsunod sa naunang kautusan ng Malacañang.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa mga paparating na mga pasahero mula India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman ay mananatili hanggang sa katapusan ng buwan.
“Those with a travel history from these countries within the last 14 days before arrival are also temporarily banned from entering,” ayon kay Morente.
Pero nilinaw ni Morente na ang mga transiting passengers, o yung mga hindi nag-exit sa airport o binigyan ng clearance ng immigration sa nasabing bansa ay hindi kasama sa nasabing pagbabawal.
Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na ang kasalukuyang travel restrictions ay magpapatuloy.
Bukod sa travel ban sa 7 bansa, ipagpapatuloy ng bansa ang paghihigpit sa mga paparating na mga turista.
Ginawa ang nasabing paglilinaw kasunod ng mga ulat na ilang undocumented aliens ay dumarating sa bansa.
“Once we encounter improperly documented aliens, they are excluded and sent back to their port of origin,” dagdag pa nito. (Jocelyn Domenden)