Advertisers

Advertisers

Hirit na piyansa at house arrest ni Napoles ibinasura ng SC

0 274

Advertisers

IBINASURA ng Korte Suprema ang hirit ni Janet Napoles, ang binansagang pork barrel fund scam queen, na makapagpiyansa at isailalim na lang sa house arrest.

Sa desisyon ni Associate Justice Mario Lopez ng Second Division, hindi umano kwalipikado na payagang makapagpiyansa si Napoles dahil convicted siya sa kasong plunder na may kaugnayan sa pork barrel fund scam kasama si Senator Bong Revilla noong 2018.

Si Napoles ay naghain ng Motion for Bail or House Arrest noong Enero at idinahilan, na umano’y siya ay mayroong diabetes at delikado na mahawa ng covid-19 sa kulungan. Bukod dito, may panawagan din umano ang mga international community na palayain na ang mga preso dahil sa covid pandemic.



Gayunman, ayon kay Lopez, hindi dapat na dahilan ang pagkakaroon ni Napoles ng diabetes upang siya ay pansamantalang palayain.

“The presumption of innocence and the constitutional right to bail end after the accused’s conviction of a capital offense,” nakasaad pa sa resolusyon ng SC. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">