Advertisers

Advertisers

44 pang kaso ng COVID-19 variants naitala ng DOH

0 221

Advertisers

MAYROON pang 44 na mga kaso ng COVID-19 variants ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa.

Ayon sa DOH, kabilang dito ang apat na karagdagang kaso pa ng Delta (B.1.617.2) variant cases, 14 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 21 Beta (B.1.351) variant cases, at isang Theta (P.3) variant case.

Base sa pinakahuling whole-genome sequencing report, sinabi ng DOH na dahil sa apat na bagong kaso na natuklasan ay umaabot na sa 17 ang Delta cases sa bansa sa ngayon.



Nabatid na ang tatlo sa apat na karagdagang Delta variant cases ang pawang Returning Overseas Filipinos (ROF) mula sa MV Eastern Hope, isang barko na nakadaong ngayon sa South Korea.

“Upon detection of the PCR-positive Filipino crew in South Korea, they were repatriated back to the Philippines on June 3, 2021. Two cases have completed the 10-day isolation after arrival in the country and were discharged upon certification of recovery, while one is still admitted in a hospital in Metro Manila,” sabi ng DOH sa isang pahayag.



Samantala, ang ikaapat na kaso naman ay isang ROF na dumating sa bansa noong Mayo 24, 2021 mula sa Saudi Arabia.

Nakakumpleto na ito ng mandated isolation, at na-tagged na bilang recovered noong Hunyo 10, 2021, na-discharged mula sa isolation facility, at ngayon ay nakasailalim sa istriktong home quarantine base na rin sa itinatakdang protocols ng LGU of destination nito.



Sa karagdagan namang 14 Alpha variant cases na natukoy, sinabi ng DOH na 12 ang local cases habang dalawa ang biniberipika pa kung local o ROF cases.

Sinabi ng DOH na sa karagdagang 21 Beta variant cases na na-detect, 20 ang local cases habang isang kaso ang biniberipika pa kung local o ROF case.

Idinagdag pa nito na base sa case line list, 20 kaso ang na-tagged bilang recovered at isang kaso ang kasalukuyan pang aktibo.

Kaugnay nito, sinabi ng DOH na ang karagdagang Theta variant case, na recovered na ngayon, ay kasalukuyang biniberipika kung local o ROF case.

Paglilinaw naman ng DOH, ang Theta variant ay hindi pa tukoy bilang variant of concern (VOC) dahil kailangan pa ng mas maraming datos upang masabing ito ay may significant public health implications. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)