Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KUNG ang followers ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ay inip nang masilayan ang magiging panganay na anak nila ay ganundin naman si Jessy na umaasa na mabuntis bago dumating ang edad na 30.
Bago pa man kasi magpakasal ang dalawa ay planado na nilang magkaroon agad ng anak at napaghandaan na nila ito. Pero may tsikang buntis na nga raw si Jessy.
“No guys, hindi pa ko buntis. Don’t worry, if buntis ako, sasabihin ko sa inyong lahat at hindi ko itatago ‘yun. But right now, not yet,” say ni Jessy.
Hindi kaya naging palaisipan sa kanilang mag-asawa na magbuntis ngayon si Jessy sa kasagsagan ng pandemya sa buong mundo, hindi kaya malaking hirap din ito kay Jessy na kung sakali ay first time mommy sa anak nila ni Luis?
“Siguro when things are better. Sana talaga things get better. Para rin you know, all of us could really move on with our lives na walang worries, or walang anxiety na nakakabit,” dagdag pang say ni Jessy.
Ilan naman kaya ang plano nila ni Luis na maging anak?
“Sana 2 to 3 kids before I turn 33, ganun. 28 na ‘ko ngayon eh, so meron akong five years pa,” sey pa ni Mrs. Luis Manzano.
***
POKWANG TAMBAK NA ANG RAKET KAHIT BAGO PA LANG SA KAPUSO
MASUWERTENG Pokwang, karaketan agad ang sumalubong sa kanya matapos pumirma ng contract sa GMA Artist Center na magpapatunay na hindi siya per project basis lang.
Ayon na rin sa mga naunang kumalat na tsika na saling pusa lang daw si Pokwang sa teritoryo nina AiAi delas Alas at Eugene Domingo. Dalawa agad ang show ni Pokwang right after the signing ng kontrata. Una ay sa guesting niya sa ‘The Boobay and Tekla Show’ na sinundan naman agad ng isang dramahan sa isang episode ng ‘Wish Ko Lang’ kasama sina Jeric Gonzales at Arra San Agustin. Kasama rin siya sa prequel ng “Pepito Manaloto”.
Kaya may mga kasamahan siya dati sa Kapamilya Network ang nagtaas ng kilay at may mga natuwa rin sa bagong kabanata sa showbiz karir ni Pokwang. Pero hindi naman daw overnight ang kanyang pagiging Kapuso.
Ayon kay Pokwang bago pa man pumutok ang usapin sa nabigong prangkisa ng Kapamilya Network ay planado na ni Pokwang ang kanyang paglipat sa Siyete. Siya pa nga raw ang kusang ‘nanligaw’ sa Kapuso Network upang kunin siyang talent.
Hindi naman daw nabigo si Pokwang sa ‘panliligaw’ sa Siyete dahil napasagot daw niya ito ng ‘oo’.
“Ako talaga ‘yung lumapit since 2019 pa, 2019 pa kami naguusap-usap and, in all fairness naman, binuksan nila ang kanilang mga braso sa akin. Thank you,” saad ni Pokwang.
“Thankful ako kasi nabigyan naman nila ako ng pagkakataon na matupad ‘yun. Siguro kasi ang dami kong gusto pang magawa, ang dami kong gusto pang i-share. Alam mong hindi na ako bumabata, ‘te.
“Kailangan ko na rin kasi gawin ‘yung mga gusto ko hanggang kaya ko pa hanggang malakas pa ‘yung katawan ko,” dagdag na saad pa ni Pokwang.