Julia nabaon ang kuko sa kamay ni Gerald nang binakunahan; Joshua nagbayad sa acting workshop para humusay
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TAONG 2014 nang maging PBB housemate si Joshua Garcia at mismong ang aktor ay takang-taka na mag-iisang taon na pala siya sa showbiz.
Pero kahit isang project ay walang nasalangan o walang kumukuha kay Joshua para magka-projects.
Kaya naman nagdesisyon ito na umupa o magbayad sa isang workshop para humusay bilang aktor.
Hindi naman hilig ni Joshua ang showbiz pero dahil nakapagsimula na ito ay ‘di na ito nagpatumpik-tumpik pa sa naging desisyon na mag-workshop sa acting.
Hindi naman nito itinanggi na binayaran nito ang mahusay na aktor na si Pen Medina para magturo sa kanya.
Isang araw na session lang naman ang kinuha ni Joshua dahil hindi pa siya ganun kapera.
Tiniyaga naman nito ang isang araw na acting workshop dahil mapursige ang aktor na mapahusay sa aktingan.
Nagbunga naman ang pag-attend na ‘yun ni Joshua na acting workshop.
***
SA socmed ng JuRalds o Julia Barretto at Gerald Anderson, sabay sila na nagpabakuna nung Friday June 18.
Wala namang nakalagay sa kanilang post kung saan sila nagpa-vaccine na magdyowa.
Pero isa ang sigurado, Phizer ang brand ng itinurok sa celebrity couple. Marami namang reactions ang kanilang followers nang si Julia na ang babakunahan.
As in, natakot ito nang bonggang bongga sa injection. Kaya naman nang turn na ni Julia para i-vaccine ay napahawak ito nang mahigpit sa kamay ng bf.
Dahil sa takot sa injectio ay halos mapabaon na ang kuko ni Julia kay Gerald.
Kaya may isang comment na mas matindi nga raw pag nagbuntis at nanganak si Julia lalo na sa pagle-labor.
Injection pa lang yun ay kinatakutan na ni Julia, lalo na nga raw ang panganganak.
Well, well, well…’Yun na!