Advertisers

Advertisers

Yorme Isko gustong ligtas sa Covid ang Manileno Maynila nakapagtala ng all-high na 27,626 na nabakunahan sa isang araw

0 226

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

MULA nang maupo siyang alkalde sa Maynila ay hindi talaga matatawaran ang husay ng serbisyo ni Yorme Isko Moreno.

Yes, maliban sa nilinis nito ang Maynila at ibinalik sa dating sigla ay magmula nang mag-umpisa ang pandemic sa paglala ng Covid-19 ay hindi nagpabaya si Yorme Isko sa constituents na Manileno, mula sa food packs at ayudang cash. Nakapagbukas din ang nasabing mayor ng isang Covid ward sa napaka-modernong Ospital ng Santa Ana, Maynila.



Nitong Linggo naman ay nakapag-rehistro ng record na mahigit 20,000 ang nababakunahan nila sa araw-araw, and in just 6 days ay umabot na sa mahigit sa 140,000 ang vaccinated. Last June 18 ay all-time high Covid-19 vaccination deployment record in a single day ang naitala sa Maynila sa bilang na 27,626.

Isa lang ang ibig sabihin nito nagtatrabaho si Yorme Isko at priority nila sa Manila Health Department Government ang kanyang mamamayan sa iba’tibang lugar sa Maynila. Naku, kung sa iba lang dyan ay taas kamay kami kay Yorme Isko na may karapatan na tumakbo sa mas mataas na posisyon.



***

Pamangkin At Anak-Anakan Ni Maria Victoria Latimer Na Si Nicole Hope Lozanes Artistahin



Continuous ang support ng aming good friend na si Madam Ma. Victoria Latimer sa aming solo vlog na “Chika Mo, Vlog Kabog” under my Youtube channel PPA Entertainment Network. Unfading din ang paghanga ng aming kind and sweet Bff (Ma. Victoria) from Ireland sa number one idol niya na si Ms.Bea Alonzo at happy siya kapag nakadidinig siya ng latest about Bea.

Pero infairness artistahin din pala ang pamangkin at anak-anakan ni Madam Victoria na si Nicole Hope Lozanes na nasa Pinas na nag-celebrate ng kanyang birtday last May 26. Mahal na mahal nito si Nicole at sila ng kanyang sister ang nagpapa-aral dito.

Kumukuha ng kursong Tourism sa Central Philippines University ang nasabing niece ni Madam Ma. Victoria na may pagkamahiyahin lang daw pero pasado nga sakaling pasukin nito ang showbiz.

By the way, parehong nakumpleto ng kindhearted naming BFF at ng Irish hubby nitong si Sir Alec ang kanilang bakuna at nawiwili ngayon ang said couple sa nature tripping.