Advertisers
BUMABA sa 3,666 ang naitala ng Department of Health (DOH) na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Hunyo 22.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,810 na gumaling at 60 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (52,696) ang aktibong kaso, 94.4% (1,291,389) na ang gumaling, at 1.74% (23,809) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 20, 2021 habang mayroong 12 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 12 labs na ito ay humigit kumulang 3.0% sa lahat ng samples na naitest at 3.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Ang mababang kaso na nai-report nitong Martes ay dulot ng mababang output ng mga laboratoryo noong Linggo, June 20, 2021. Tinitingnan din ng DOH ang iba pang mga posibleng dahilan ng mababang bilang ng mga kaso na naitala nitong Martes. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)