Advertisers
DAPAT na kumilos agad ang mga miyembro ng PDP-Laban kung saan kabilang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Manny Pacquiao sa harap ng umiinit na bangayan sa pagitan ng dalawa na kilalang matalik na magkaibigan.
Ito ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson.
Sinabi ni Lacson, hindi magandang tingnan kung patuloy na magbabangayan ang dalawang opisyal ng bansa lalo’t kapwa sila tinitingala ng publiko.
Sa panig naman ni Sen. Koko Pimentel, sa halip na magbangayan, dapat ay magtulungan na lamang ang lahat para sa mabilis na paglutas sa mga problema ng bayan.