Advertisers

Advertisers

Metalgear towing ng MTPB nakasisira kay Yorme!

0 301

Advertisers

DAPAT nang ipatigil ni Manila Mayor Isko Moreno ang operasyon ng Metalgear towing sa Maynila kung ayaw niyang masira ang kanyang pangalan at mahalal na pangulo ng Pilipinas sa 2022.

Oo! Hindi serbisyo Manilenyo ang hatid nitong Metalgear towing kundi pangunguwarta sa mga motorista.

Aba’y para lang namumulot ng salapi sa kalye ng Maynila ang mga towing truck nitong Metalgear. Daig pa nila ang mga carnapper kung trumabaho. Kahit nakahinto lang ang sasakyan sa isang business establishment para bumili at kanilang nadaanan ay tiyak kanilang hihilahin.



P3,000 hanggang P5,000 ba naman ang tubos sa bawat kotse. Pag delivery van ay P7,000 hanggang P10,000. Tapos wala rin naman impounding area ang mga animal kundi ibabalandra lang din nila sa kalye ang kanilang mga hinila. Perwesyo nga!

Dito sa P3,000 to P5,000 na tubos sa kotse, magkano ba ang napupunta sa Manila govt., P500? That means ang kumikita lang dito ay ang gagong may-ari ng Metalgear towing. Mismo!



Noong panahon ni late Mayor Alfredo Lim, walang pinapayagang towing sa Maynila. Ang towing sa MTPB noon ay on call lamang, tatawagan lang kung may ipahihilang nakabarang sasakyan sa kalye. Yun ang tama!

Itong style ng Metalgear towing ay katulad nong panahon ni Lito Atienza na kaliwa’t kanan ang panghihila, nang-aagaw pa ng manibela. Resulta: Hindi na nakabalik ng City Hall si Atienza, kahit anak niya ‘di makaporma.



Gusto mo rin bang mangyari sayo ito, Yorme Kois? Gusto mo bang masira ang mabango mong pangalan dahil lamang sa pesteng Metalgear towing?

Ang isa pang peste dyan sa MTPB, itong “General Sukat” na tila hari ng mga motornapper!

Mantakin mong ang mga motorsiklo na hindi naman nakakaabala sa daloy ng trapiko, nakatabi sa kalsada, nakasampa sa bangketa, gamit sa delivery ng mga nagla-Lalamove, Grab at Mr Speedy ‘di pinalalagpas. Kinakarga sa kanilang truck tapos ipatutubos ng P1,000! Yawa!!!

Kung totoo ka sa iyong trabaho, General Sucat, sa paglilinis sa obstructions sa kalye, pasadahan mo ang Zaragoza, Delpan, mula Gat Andres Hospital hanggang Alma-rio Elem. School dyan sa Tondo. Dahil matagal nang inirereklamo ang grabeng illegal parking at obstructions sa lugar na ito!

Pasadahan mo rin ang kahabaan ng Kagitingan mula Zaragoza tagos ng Moriones, o kaya ang kahabaan ng Masinop at Juan Luna sa Tondo. Dahil ang mga kalyeng ito ay halos hindi na madaanan ng 4 wheels dahil sa mga nakaparadang sasakyan kabilaan at mga obstrucions.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang lakad nitong Metalgear towing at tropa ni General Sucat ay kuwarta, hindi serbisyo Manilenyo.

Sila’y mga anay sa magandang pamamahala ni Yorme! Itigil na yan!!!

***

Ipinagyayabang ng Department of Health (DoH) ang 3 milyong fully vaccinated.

Sus! Ilang percent palang ito sa 70 milyon na target na mabakunahan para magkaroon ng herd immunity sa Covid-19 sa bansa.

Kung wala pang mga donasyon ng bakuna mula sa China, US at Japan, at magsarili ang LGUs sa Metro Manila hindi pa magkakaroon ng 3 million fully vaccinated.

Ano na ba nangyari sa 140 million doses ng bakuna na ipinangangalandakan noon ni PDut? Joke lang ata ‘yun?