Advertisers
ISASAILALIM sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat pang probinsya kasunod ng pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon ng local transmission ng Covid delta variant.
Simula Hulyo 23-31 ay GCQ with heightened restriction ang National Capital Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Davao del Norte at Davao del Sur.
Ito ay matapos na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force On Emerging Infectious Diseases (IATF).
Isinama na rin sa travel ban ang mga biyahero mula sa Thailand at Malaysia.
Sa datos ng DOH, 47 na ang nagpositibo sa Covid Delta variant, 18 sa mga ito ang hindi pa bakunado.
Walo ang aktibong kaso na pawang asymptomatic, 36 ang nakarekober habang 3 ang nasawi.
Nabatid na 22 sa mga ito ay pawang returning Overseas Filipino workers (OFWs) at 22 ang local infections, kung saan 7 ang may address sa Metro Manila kabilang na ang Manila, Pasig at Taguig.
Dagdag pa ng DOH, isasailalim sa re-assessment ang 12 na bagong local cases bilang bahagi ng protocol. (Jonah Mallari/Andi Garcia/Vanz Fernandez/Josephine Patricio)