Advertisers
SUMAMPA na sa 1,597,689 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health matapos makapagtala ng 8,735 na karagdagang kaso nitong Linggo, Agosto 1.
Ang mga gumaling ay nadagdagan din ng 5,930 kung saan nasa kabuuan nang 1,506,027 ang recoveries.
Nakapagtala rin ng 127 na bagong namatay sa COVID-19 dahilan para umabot na sa 28,016.
Sa aktibong mga kaso, nakapagtala ang DOH ng 63,646 kung saan may pinakamaraming kaso ay mild cases na nasa 94.0 percent.
Paulit-ulit namang nagpapaalala ang DOH sa lahat na ang bisa ng masusing pagsunod sa health protocol ang paraan upang ligtas na masupil ang peligro ng COVID-19 pandemic.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na posibleng dulot ng Delta variant, ang pamahalaan ay muling magpapatupad ng ‘lockdown’ o enhanced community quarantine simula August 6 hanggang 20. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)