Advertisers
MAHIGIT sa P1.3 million halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Kinilala ang mga nadakip na sina Cindy Addawi, 40 anyos, ng Sitio Ileb, Barangay Nambaran, Tabuk City; at Saldy Wasigan, 28, ng Brgy. Agbannawag, Tabuk City.
Sa ulat, nasamsam mula sa pag-iingat ng magkasintahan ang 10 pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana na may hugis pahaba at nakabalot sa clear packaging tape. Kinumpiska rin sa mga ito ang isang cellular phone at isang Honda RS 150 na motorsiklo.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magdyowa. (Rey Velasco)