Advertisers

Advertisers

Rozz Daniels sunud-sunod na ang raket ngayong recording artist na

0 281

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

HINDI na talaga mapipigilan ang pagsikat ng BahayniONE artist at Wisconsin singer na si Rozz Daniels.

Maliban sa nai-record na niya ang kanyang debut single na pinamagatang Alay Sa ‘Yo na kinompos ng OPM Icon na si Ivy Violan na siya ring voice coach niya, at ilalabas na ito ngayong September. Nasa pangangalaga na rin si Rozz ni Grace  Figues ng BahayniOne Production na marami nang balak para sa kanyang singing career.



May 2nd single na ring ire-record si Rozz, pinamagatang Bakit na nilikha pa rin ni Ms. Ivy na swak na swak talaga sa boses at personalidad ni Rozz.

‘Wag ding isnabin at pasok na rin si Rozz sa group of artists ni Direk Cathy Garcia-Molina sa pamamagitan ng  NickleEntertainment nito kaya hindi malayong makagawa rin ng pelikula ang mahusay at magandang singer.



Bukod diyan, nakatakda ring mag-go see si Rozz sa GMA7 Artist Center sa Aug. 5 and who knows, makuha siya at mapabilang sa mga talent ng Kapuso Network?!

Nitong nakaraang Linggo lang, July 25, naging special guest naman si Rozz sa musical show na Aaliwin Kita na handog ng Aliw Foundation kasama ang ilang kapatid niya sa BahayniONE gaya nina Melissa Gibbs, Larissa Pabalan, Owin, at iba pa.



Siyempre, tuloy pa rin ang KUMU show ni Rozz na pinamagatang  The Rocks and Rozz Show kasama ang kapwa BahayniOne artist na si Ms. Irelyn Arana, at ang mga talented singers na sina Jerome Sangalang, Harold Jess Evangelista, Derf Dwayne, Annalyn Torregosa at ang inyong lingkod para sa chikahan segment ng show.

Mapapanuod ito tuwing Huwebes at Sabado, 10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon dito sa Pinas.

Dahil sa angking husay sa pagkanta, tiyaga at pagsisikap ni Rozz, hindi kataka-takang marating nito ang kanyang pangarap na maging isang sikat na recording star at tangkilikin ang kanyang mga awitin. Goodluck at congrats, Rozz Daniels!