Advertisers

Advertisers

MGA KALULUWANG MALIGALIG

0 991

Advertisers

Ni NICK NAÑGIT

NGAYONG linggo ay magsisimula na ang tinatawag na Ghost Month. Tatagal ito hanggang ika-6 ng Setyembre. Ang Bagong Buwan sa ika-7 lunar month na nagtatakdang magsimula ng panahong ito ay nasa konstelasyong Leo.

Ayon sa paniniwala ng mga taga-Silangang Asya, ang pintuan na naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at mundo ng mga patay ay nagbubukas. Pinapayagan daw ang mga maligalig na kaluluwa na mag-ikot. Tanging ang mga panalangin lamang ng mga taong buhay ang makatutulong, para ang mga kaluluwang iyon ay makapunta na sa estado ng kapayapaan.



Yan ang dahilan kung bakit may mga alay na inilalagay sa labas ng mga tarangkahan at pintuan, para sa lahat ng kaluluwa, kamag-anak man ang mga ito o hindi.

Dahil nga maligalig ang mga kaluluwang lumalabas sa nasabing pintuan, maraming kababalaghan ang maaaring mangyari. May mga dapat iwasan.



Huwag pipirma ng mga kontrata. Huwag bibili ng mga mamahaling gamit. Huwag magsisimula ng negosyo o trabaho.

Sa gabi, bawal magdiwang. Bawal ding magpagabi, lalo pa’t mag-isa ka. Bawal ang paglalakbay. Bawal ang paglangoy. Bawal sumipol o sumandal sa pader.



Marami pang mga abiso hinggil sa Ghost Month ang inilalahad sa aking YouTube channel na Nickstradamus. Samantala, ating gunitain ang ilan sa mga artista at celebrities na namayapa na sa panahong ito.

Nandyan sina Menggie Cobbarubuas (Marso 26, 2020), Babajie (Mayo 4, 2020), Le Chazz (Mayo 1, 2021), Sonny Parsons (Mayo 10, 2020), Anita Linda (Hunyo 10, 2020), Ramon Revilla Sr. (Hunyo 26, 2020), Kim Idol (Hulyo 13, 2020), April Boy Regino (Nobyembre 29, 2020), Edgar Quizon (Disyembre 16, 2020), Ricky Lo (Mayo 4, 2021), Baby Barredo (Mayo 23, 2021), Arlene Tolibas (Hunyo 3, 2021), Ester Chavez (Hunyo 7, 2021), Shalala (Hunyo 23, 2021), Celia Diaz Laurel (Hulyo 13, 2021), Hans Mortel (Hulyo 14, 2021), Mel Francisco (Hulyo 25, 2021), Orestes Ojeda (Hulyo 27, 2021), at Manoling Morato (Hulyo 30, 2021).

Wala man sila sa piling na natin tuwing manonood tayo sa telebisyon o sinehan, mananatili namang sariwa sa ating mga alaala ang kanilang pagganap o kaganapan na kahit papano’y naging bahagi rin ng ating mga buhay. Dala ng Ghost Month ang paggunitang ito. Nawa’y makatawid na silang lahat patungo sa liwanag.

Para sa iba pang dagdag kaalaman, mag Subscribe at Watch lang sa nasabing Nickstradamus channel, lalo na ang LIVE tuwing Biyernes 11pm Philippine Standard Time. Inaalay ko ang aking pagbabalik sa aking yumaong Dade nitong Hulyo 26, 2021 lamang. Mahal na mahal ka namin!

At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards, o mga made-to-order crystals, makipag-ugnayan lang sa sulatronikong nickstradamus2018@gmail.com.

Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!