Advertisers

Advertisers

Vice, di kering makipag-sex sa babae

0 220

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PARA kay Vice Ganda, parang kukulog at kikidlat sa tanghaling tapat, kapag nakipagtalik siya sa isang babae.

Ito ang naging paksa ng kanilang tsikahan ng dating manager na si Ogie Diaz sa vlog ng huli.



Ani Vice, nagtataka raw siya kung paanong nagawa ng talent manager turned vlogger na maka-iskor sa babae at magkaroon pa ng maraming anak.

Hirit pa niya, pareho raw naman sila ng gender identity ni Ogie dahil parehas silang bading.



Pero pagdating daw sa sexual preference, doon daw sila nagkakaiba.

Kung si Ogie daw ay kayang makapag-sex sa isang babae o sa kanyang asawa for that matter, siya raw ay hindi ito masikmurang gawin.



Aware kasi siyang ang gusto niyang makaniig ay isang lalake.

Tungkol naman sa isyu ng pagkakaroon ng anak, nasabi ng It’s Showtime host na gusto rin niyang magkaroon ng mga supling tulad ni Ogie.

Aniya, gusto raw niyang mag-ampon para magkaroon din ng tsikiting.

Puwede rin daw maging opsyon na ipa-freeze ang kanyang sperm kung sakaling mapagpasiyahan niyang magkaroon siya ng anak through surrogacy.

Ayon naman kay Ogie, mas mainam pa rin daw ang pagkakaroon ng anak through natural process tulad niya.

Iba raw kasi ang kasiyahang hatid nito sa isang magulang lalo na’t galing mismo sa dugo at laman mo ang iyong dyunakis.

Kuwento naman ni Vice, noong nagbibinata raw siya at wala pa siya sa showbiz, sinubukan daw niyang magkaroon ng girlfriend.

Dahil na rin daw umano ito sa peer pressure.

Nag-date daw sila ng girl sa sinehan pero hanggang ‘lamas-suso’ lang daw ang kinaya niya.

Pagkatapos daw noon ay hindi na ito naulit dahil nakaamoy si girl sa tunay niyang sexual preference.

Pagkatapos ng nasabing karanasan, feeling daw niya ay nandiri siya sa kanyang sarili dahil sa pagpapanggap.

Hirit naman ni Ogie, dapat daw ay maghanap na ang komedyante ng babaeng magpapalaganap ng kanyang lahi lalo pa’t isa sa mga hiling ng ina nito ay ang mabigyan siya ng apo ng kanyang  totoy.