Advertisers

Advertisers

Covid update: 13,177 bagong kaso; 4,322 gumaling; 299 nasawi

0 220

Advertisers

LALO pang sumipa ang kaso ng mga tinatamaan ng nakakahawang sakit na COVID-19 sa bansa.

Batay sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Agosto 13, sumampa sa 13,177 ang bagong kaso na naitala dahilan para umakyat na sa 1,713,302 ang kabuuang nagkakaroon ng impeksyon ng COVID-19.

Bahagyang bumaba naman ang naitalang bagong gumaling na umabot lamang sa 4,322 dahilan para maging 1,587,069 na ang recoveries.



Tumaas din ang naitalang mga namamatay kung saan mayroong 299 na bagong pumanaw sanhi para umabot na sa kabuuang 29,838 ang namamatay sa naturang sakit.

Maging ang aktibong kaso ay tumaas din dahil umabot na ito sa 96,395 na malapit na sa bilang na isang daang libo.



Ayon sa DOH, mayroon namang 414 na duplicates silang inalis mula sa total case count.

Sa naturang bilang, 229 ang recoveries.



Nasa 10 kaso naman na unang tinukoy na recoveries ang malaunan ay natukoy na aktibong kaso pa pala.

Mayroon ding 175 kaso na unang tinukoy na gumaling na mula sa karamdaman, ngunit malaunan ay natuklasang binawian na pala ng buhay sa pinal na balidasyon.

Sinabi ng DOH na sa pinakahuling ulat, ang lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Agosto 11, 2021 habang mayroong apat na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)